Friday, July 9, 2010

Ang buhay ko na Bug Monster

By: Choi, Level 1 Bug Monster

Tahimik, payapa, maayos; ito ang buhay namin bago pa dumating ang mga dayuhan, in short ate Charo, masaya. Malaya kaming namumuhay kasama ang ibang mga nilalang, nakakapasyal kami sa anumang naisin naming lugar, nakakakain kami ng gusto naming mga bunga. Ngunit nagbago lahat nang dumating ang mga pesteng dayuhan.

Una kong nakita ang mga walanghiya nung minsang mapag-usapan naming ni Boknoy na maligo sa ilog. Nang papunta kami ay may narinig akong mga maiingay na tinig na nag-uusap. Pina-una ko si Boknoy, “susunod na lang ako”, sabi ko. Sinundan ko ang mga tinig at nakita ko na iyon ay galing sa dalawang tao.

“…Item dun sa ilog. may mga level 2 at 3 dun. Nakapatay rin ako ng limang level 3 dun bago ako nag-level up” sabi nung isa na may dalang pana.
“Ang tagal mo ngang mag-level, e. Tara na sa north east dock, para tapos na ang quest”, sabi nung isa na may dalang maliit na espada.

What the F*ck! Patay…pana…espada…OHMAGAWD! Si Boknoy! Mabilis akong tumakbo papuntang ilog. Nang marating ko ang ilog, nagulat, natulala, at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ang mga talangka na madalas tumambay at mag-inuman malapit sa ilog ay nakabulagta, nagdudugo, naghihingalo. Ang nakita ko sa isang gilid si Tong, isa sa mga kaibigan naming talangka na nakaka-inuman naming madalas ay naghihingalo sa isang gilid habang nag-tetext (sinusulit ang unli, ma-eexpire na kasi).

“TONG! Anong nangyari?” tanong ko kay Tong na nabitawan na ang cellphone niya (na-expire na ang unli). Tinuro niya sa may talon, sa malayong parte ng ilog kung saan kami madalas tumalon ni Boknoy. Nakita ko doon ang mga lima o anim ka-tao na pinapatay ang mga kalahi ni Tong. At malapit sa kanila ay si Boknoy, na aktong susugurin na ng isang tao.
“Tong babalikan kita, hang on there, buddy.” Ngunit paglingon ko pabalik kay Tong ay unti unti nang nawawala si Tong. Nakangiti siya bago tuluyang nawala, tulad ng isang bulang naglaho sa hangin. Nawala siya sa ilalaim ng aking mga kamay.

Si Boknoy! OHMAGAWD! Kailangan ko siyang tulungan. Tumakbo ako tulad ng idol kong si Eye Shield 21, ngunit huli na ang lahat nang makarating ako. Unti unti na ring naglaho si Boknoy, my bespren, na kasabay ko maligo sa ilog, malling, ka-team ko sa DOTA, ka-inuman, at nanlilibre sa akin. Napuno ako ng galit.

Sinugod ko ang p***inang pumatay kay Boknoy.

“You killed my bespren, YUSANOPABITSH! I’ll kill you!” Sinipa ko siya, sinuntok, kinagat ang tenga. Ayaw matinag ng gago. Nagback –flip ako, nagfront-flip, nagside-flip, backspace at lahat ng pwedeng gawin. Ayaw pa rin. Suntok ulit, headbutt. “I WILL KILL YOU, you SANOPABITSH!” at minura ko pa siya sa English, tagalong, Spanish, at bisaya. Ngunit pahina na nang pahina ang mga sigaw at mura ko. Naramdaman kong basa na ang paa ko, tumingin ako pababa at nakita kong puno na ang dugo ang dibdib ko pababa. “YUSANOPABIT - !

At napahiga ako sa damo, duguan at naghihingalo. Is this the end of me? At nakita kong unti unting bumababa ang opacity ng katawan ko. Naglalaho na ako. Bye Mom, Bye Dad, Bye Bantay, Bye World. At nakita ko ang liwanag.

*^*

Chapter 2

At pagdilat ko, nakita ko si Boknoy. “Langit na ba ‘to, Boknoy?”, tanong ko sa kanya. Pero ito pa rin yung damuhan na tinatambayan namin pag-brown out at hindi kami makapanood ng anime sa TV.

“Nabuhay tayo ulit, Choi, reincarnation. Hindi ‘to heaven. Bumalik tayo sa lupa.”sabi ng kaibigan kong nakita kong mamatay kanina.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko sa likod ni Boknoy. Nakatayo sa malayo ang dalawang taong nakita ko kanina, pinapatay ang mga malalaki at magagandang paru-paro.
“This is hell. WTF!”

4 comments:

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
hoopsnews said...

mhilig manood ng anime ang ngsulat!!!!nkita ko na ang ttlo ky Eyeshield21

Jhunryle said...

d ko pa nabasa to about wat to??

GreenBlog said...

engot..
hahaha..
ragna much..
YUSONOPABITS..
XD